Matapos ang ulat na tumangging magpaunlak sa presidential interview ng GMA News si dating senador at ngayo'y Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., hindi naman napigilang mag-react ng broadcast journalist at 24 Oras Weekend host na si Ivan Mayrina sa isyu.

"Shouldn't it be a bare minimum to show up for a job interview?" saad ng mamamahayag sa isang retweet nitong gabi ng Biyernes, Enero 21.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

https://twitter.com/ivanmayrina/status/1484554345308102658

Matapos ang anunsyo, agad na nagtrend sa Twitter ang "#MarcosDuwag" kung saan kinundena ng netizens ang hindi pagsipot ng kandidato na naturang panayam na sana'y oportunidad upang ilatag nito ang plataporma ng kaniyang kandidatura at maging kabahagi sa talakayin ukol sa maiinit na isyu sa bansa.

Basahin: ‘#MarcosDuwag’, trending sa Twitter matapos ‘di paunlakan ni BBM ang isang presidential interview – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nitong umaga, naglabas ng opisyal na pahayag ang kampo ni Bongbong kaugnay sa isyu.

Ani Atty. Victor D. Rodriguez, spokesman ni Marcos Jr., hindi nagpaunlak ng panayam si BBM sa naturang presidential interview na pinangungunahan ng beteranang GMA Network News Anchor na si Jessica Soho dahil “biased” umano ito laban sa mga Marcos.

Nangamba rin ang naturang kampo na baka maging tampulan lang ng isyu ang panayam at ituon lang ng host sa "negativity" ang direksyon ng talakayan.

“The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM which the UniTeam dislike,”ani Rodiguez.

Basahin: Kampo ni Marcos Jr., nagsalita na tungkol sa hindi pagsali ni BBM sa GMA show; Jessica Soho, bias daw? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kasunod ng anunsyo, nagbigay rin ng diretsang ulat ang kapwa mamahayag ng GMA na si Raffy Tima kung saan ipinunto nitong sinayang ni Bongbong ang oportunidad nitong maitama ang mga paratang laban sa "award-winning host and GMA Pillar" na si Jessica Soho.

https://twitter.com/raffytima/status/1484729787272679426

Sa pag-uulat, wala pang pahayag ang kampo ni Jessica Soho at ng buong GMA News and Public Affairs kasunod ng paratang ng kampo ni Bongbong.