Nasa kulungan ngayon ang isang 33-anyos na lalaki matapos matimbog ng mga awtoridad dahil umano sa pagbebenta ng pekeng vaccination card sa Barangay Unang Sigaw sa Quezon City nitong Huwebes ng hapon.

Isinapubliko ni Maj. Loreto Tigno,hepe ng Quezon City Police District (QCPD)-Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), ang pagkakakilanlan ng suspek na si Mark Anthony Cervantes.

Inihayag ni Tigno, hindi na nakapalag ni Cervantes nang dakpin ng mga pulis sa East Service Road, dakong 5:15 ng hapon.

Nabisto ang iligal na gawain ng suspek nang i-post sa Facebook ng isang Reylelyn Dela Fuente na nagbebenta ito ng vaccination card na nagkakahalaga ng ₱400.00, ayon sa District Anti-Cyber Crime Unit (DACCU).

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Nakumpiska ng pulisya ang ilang umano'y pekeng vaccination card at buy-bust money.

Kakasuhan si Cervantes ng falsification of public documents at paglabag sa Republic Act (RA) 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law).

Cherrylin Caacbay