Sinabi ng Bureau of Quarantine (BOQ) na hindi bababa sa 300 Filipino travelers ang nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) bawat araw na pagdating sa bansa.

Ayon kay BOQ Deputy Director Roberto Salvador Jr. na may humigit-kumulang 3,000 international arrivals sa Pilipinas kada araw.

“Sa ngayon po ang average po natin per day na arrivals natin, iyong capacity natin is 3,000. Ang nagpa-positive po every day is close to 300," aniya sa kanyang public briefing nitong Sabado, Enero 22.

“So, approximately po 10 percent to 14 percent po ang nagpa-positive sa mga arrivals nating mga Pilipino," dagdag pa niya.

National

Lindol sa Zamboanga del Norte, ibinaba na ng Phivolcs sa magnitude 5.4

Sinabi ni Salvador na nagbukas sila ng karagdagang isolation facilities para i-accommodate ang mga pasyente.

“Nag-start na po na nagbukas tayo nang mas maraming isolation facility para po lahat ng mga nag-positive sa quarantine facility maita-transfer ng Bureau of Quarantine sa mandatory isolation government facilities po," aniya

“So nagbukas na po tayo, within NCR [National Capital Region] po iyong Summit Hotel, Manila Prince at iyong Athletes Village po sa Tarlac…Even in Batangas po – Canyon Cove, Canyon Woods – so marami na po tayong binuksan po na isolation facility," dagdag pa niya. 

Samantala, sinabi rin ni Salvador na mahigpit nilang ipinatutupad ang quarantine protocols sa mga taong dumarating sa bansa.

“Sinabi nga po ng Presidente na lahat po ng hotel ngayon ay bibigyan po ng police presence para po mas mabantayan. Doon po kasi nakita na pupuwedeng magkaroon ng breach of quarantine violations iyong mga kababayan nating bumabalik sa Pilipinas," aniya.

Analou de Vera