Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang gobyerno na apurahin pa lalo ang pagbabakuna laban sa COVID-19 habang hinahangad ng gobyerno na ganap na mabakunahan ang 77 milyong Pilipino sa pagtatapos ng unang quarter ng 2022 at 90 milyon sa pagtatapos ng ikalawang quarter.
“Umaapela po ako sa gobyerno na mas pabilisin pa lalo ang pagbabakuna at kung maaari ay dalhin mismo sa bahay ang bakuna ng mga willing maturukan pero hindi kayang pumunta sa vaccination sites,” ani Go na pinangungunahan ang Senate on Health committee.
“Hinihimok ko rin ang ating mga kababayan na magpabakuna na sa lalong madaling panaho. Nasa datos naman po na kapag bakunado kayo laban sa COVID-19, maiiwasan ninyo ang pagkakaroon ng malalang kaso nito o ang maospital,” dagdag niya.
Umapela rin ang senador mula Davao na gawing mas accessible ang mga bakuna sa kanayunan at malalayong lugar dahil tumataas na rin ang bilang ng mga bagong kaso sa mga rehiyon sa labas ng Metro Manila.
“I’m also urging my fellow government officials, particularly local chief executives, to guarantee that the vaccines are distributed in a timely manner,” sabi ni Go.
“Let us take it upon ourselves to make vaccines more accessible to individuals who may have difficulty acquiring them, such as people with disabilities and those who live in rural or hard-to-reach areas,” dagdag niya pa.
Nakitaan ng pagtaas sa impeksyon sa COVID-19 sa labas ng Metro Manila ayon sa Department of Health (DOH). Sinabi ni Secretary Francisco Duque III noong Lunes na ang Omicron variant ay nakita na sa higit na 90 porsiyento ng mga genome-sequenced sample sa bansa. Ito ay 30 porsiyentong pagtaas sa 60 porsiyentong inihayag noong nakaraang linggo.
Sinabi rin ni Duque na nalampasan na ng Omicron ang Delta bilang dominant variant ng COVID-19 sa bansa.
Nauna rito, inihayag ni acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ang pinasimpleng pamamaraan ng pagbabakuna na makatutulong na matiyak na ang mga kwalipikadong Pilipino ay makakatanggap ng bakuna sa lalong madaling panahon at sa pinakamabisang paraan.
Kasama sa mga pamamaraan ang pagpayag sa mga walk-in admission at pag-drop sa kinakailangan ng medical clearance. Isasagawa rin ang house-to-house inoculation para sa mga hindi makabiyahe sa lugar ng pagbabakuna dahil sa mga isyu sa kalusugan o kadaliang kumilos.
Nitong Enero 20, 56.8 milyong Pilipino na ang ganap na nabakunahan, ayon sa DOH. Humigit-kumulang 59.6 milyong indibidwal ang nakakuha ng kanilang unang dosis habang 5.8 milyon ang nakatanggap ng kanilang booster shot. Ang pamahalaan ay nagbigay ng kabuuang 122.3 milyong COVID-19 na dosis mula nang magsimula ang mga rollout. Samantala, ang bansa ay nakatanggap ng kabuuang 215,519,520 na bakuna.
Upang maisakatuparan ang target nito, hinahangad ng gobyerno na maabot at mabakunahan ang natitirang tatlong milyong senior citizen at tumutok sa mga rehiyon at lugar na may mas maraming hindi nabakunahan na indibidwal. Nilalayon din nitong imaksima ang paggamit ng single-dose na mga bakunang Janssen.
Upang makatulong na mapabilis ang programa ng bakuna, ang senador ay naglabas ng ilang apela sa publiko at pribadong sektor na magkaroon ng mga insentibo upang hikayatin ang mga nananatiling nag-aalangan na kumuha ng kanilang mga bakuna.
Mario Casayuran
Go, hinimok ang gov’t na apurahin ang vaxx program vs COVID-19
Hinimok ni Senador Christopher “Bong” Go ang gobyerno na apurahin ang pagbabakuna laban sa COVID-19 habang hinahangad ng gobyerno na ganap na mabakunahan ang 77 milyong Pilipino sa pagtatapos ng unang quarter ng 2022 at 90 milyon sa pagtatapos ng ikalawang quarter.