Sumagot na ang GMA Network tungkol sa naging rason ni Presidential aspirant Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., na hindi ito sumali sa "The Jessica Soho Presidential Interviews" dahil "biased" umano si Jessica Soho.
Sa inilabas na pahayag ng GMA Network, ibinahagi nila na kinikilala bilang "most trusted media personality" sa bansa si Jessica Soho.
"Throughout her career, Ms. Soho has consistently been named the most trusted media personality in the Philippines by both local and foreign organizations, a testament to her embodying the GMA News and Public Affairs ethos: "Walang Kinikilingan, Walang Pinoprotektahan, Serbisyong Totoo Lamang.""
"This same ethos has guided Ms. Soho and the whole GMA News and Public Affairs organization, which is the most trusted media organization in the Philippines, according to the University of Oxford/Reuters Institute for the Study of Journalism," dagdag pa nito.
Sinabi rin ng GMA Network na matapang na tinanong ni Soho ang mga lumahok na presidential aspirants tungkol sa kanilang intensyon sa pagtakbo, kontrobersiyang ibinabato sa kanila, kanilang paninindigan sa mga isyu at kanilang mga konkretong plano kung sakaling manalo.
Ang mga dumalo sa programa ay ay sina Vice President Leni Robredo, Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ng Aksyon Demokratiko; Partido Reporma chairman Sen. Panfilo “Ping” Lacson at PROMDI bet Sen. Manny Pacquiao.
"The questions are tough because the job of the presidency is tough," pagpapaliwanag ng network. "We believe that this is an important exercise to inform the public about the candidates seeking their votes in Eleksyon 2022, to help them make the best, most informed choice on their ballots."
Sa isang opisyal na pahayag ni Atty. Victor D. Rodriguez, spokesman ni Marcos Jr., sinabi niya na hindi nagpaunlak ng panayam si BBM sa naturang presidential interview na pinangungunahan ng GMA Network News Anchor na si Jessica Soho dahil “biased” umano ito laban sa mga Marcos na maaari umanong ang mga katanungan ay tutuon lamang sa negatibong impormasyon tungkol kay BBM.
“The reason why Bongbong Marcos decided not to join the Jessica Soho show is founded on our belief that the hostess of said popular talk show is biased against the Marcoses, and therefore, we believe her questions will just focus on negativity about BBM which the UniTeam dislike,” ani Rodriguez.
Ang “The Jessica Soho Presidential Interview” ay eere sa GMA ngayong Sabado, Enero 22.