Kumpiyansa ang isang grupo ng mga eksperto na bababa na ang bilang ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa bansa pagsapit ng Enero 31.

Paliwanag ni OCTA Research fellow Dr. Guido David, nakikita nilang sasampa sa 2,000 hanggang 3,000 ang maitatalang kaso bawat araw pagsapit ng katapusan ng kasalukuyang buwan.

Idinahilan nito, maaaring bumalik sa mas mababa sa 1,000 kaso ang maitatala sa nabanggit na petsa.

"We can see that based on our estimate the situation would be highly improved even by the end of the month. We’re projecting just a little over 2k cases per day in the NCR from 18K. It could be between 2-3K and then by Valentine’s Day it could be at less than 1k cases and by the end of February it could be less than 500 cases," ayon kay David.

Eleksyon

31,000 inmates, nakatakdang bumoto sa eleksyon—BJMP

Gayunman, kasabay naman umano nito ang pagtaas ng bilang ng kaso ng sakitsa mgaprobinsiya at siyudad sa labas ng Metro, katulad ng Bacolod, Cagayan de Oro at Baguio City.