Sa FINEX "Meet in the Presidentiables: Economic Reforms in the New Frontier" Open Forum na isinagawa kahapon, Enero 21, matapang na sinagot ni Bise Presidente ang mga posisyon nito sa usaping foreign policy at pakikitungo sa China.
Sinagot ni Robredo ang tanong na "Would you be open to a joint venture or arrangement with China?"
Aniya, "Ang atin ay atin. Our foreign policy will always put the interest of our country and our people first. We will have to address challenges always with courage and honor. And we should be unrestrained by fear and be free from the influence of any political power."
Sinisiguro naman ni Robredo na ang relasyon ng Pilipinas sa China at sa iba pang bansa ay magbabase sa "mutual trust" at respeto, na pinamamagitan ng pandaigdigang mga batas.
Dagdag pa ni Robredo, dapat tinatanggap ng China ang pagkapanalo ng bansa sa desisyon ng arbitral tribunal council.
"A good neighbor and a real friend is really fair and follows international law."
Pinagdiinan naman ng bise presidente na ang sinumang pinuno ay dapat na tumayo at manindigan kung naku-komprimiso ang mga nasasakupan nito sa gitgitan ng dalawang bansa. Ito rin ay upang mapanatili ang dignidad ng bansa.
"Ang pinuno ng bansa, dapat handa tayong ipaglaban 'yung ating karapatan. Hindi tayo dapat nakikipag-kompromiso sa atin kasarinlan at teritoryo," ani Robredo.
Kaya naman ayon Robredo, magiging bukas lamang siya sa joint venture sa China kung una nang tatanggapin nito ang arbitral ruling.