Inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang limang katao na sinasabing nasa likod ng insidente ng hacking sa Banco de Oro (BDO) nitong nakaraang Disyembre.

Kabilang sa mga dinampot sina Ifesinachi Fountain Anaekwe, alyas Daddy Champ at Chukwuemeka Peter Nwadi, kapwa Nigerian, at Jheron Anthony Taupa, Ronelyn Panaligan at Clay Revillosa.

Sa report ng NBI, ang mga ito ay dinampot sa Pampanga at Pasig kamakailan.

Nilinaw ng NBI, nasamsam sa mga suspek ang mga ebidensyang nagsasangkot sa kanila sa hacking incident.

National

PCO chief Cesar Chavez, naka-leave sa susunod na linggo

"Ang involvement nila is to synchronize 'yong movement ng members ng group. Ino-open nila ang account, sila ang nagpapa-falsify ng mga dokumento tapos 'yong mga downloaded amounts o downloaded cash, sila ang nagko-consolidate from different downloaders at sila rin ang nagbibigay ng payoff," pahayaganaman ni NBI Cybercrime Division chief Vic Lorenzo.

Matatandaang daang-daan na depositors ng BDO ang nagrereklamong nawawala ang kanilang savings matapos mabisto na nagkaroon ng hacking incident sa nasabing bangko nitong nakaraang taon.

Inihahanda na ng NBI ang kaukulang kaso laban sa mga ito.