Dahil usap-usapan ngayon sa social media ang hindi pagpapaunlakni Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa imbitasyon ng GMA Network para sa isang presidential interview, binabalikan din ng mga netizens ang naging panayam nito sa "Toni Talks."

Basahin: https://balita.net.ph/2022/01/21/marcosduwag-trending-sa-twitter-matapos-di-paunlakan-ni-bbm-ang-isang-presidential-interview/

Nauna na rito ang pagiging trending topic sa Twitter ng #MarcosDuwag at ngayon naman ay binabalikan din ng netizens ang naging panayam ni Marcos sa Toni Talks na inilabas noong Setyembre 13, 2021, na araw rin ng kanyang kapanganakan.

As of this writing, trending topic na rin sa Twitter ang "Toni Talks" at mayroon na itong 1,748 tweets.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Ayon sa ilang mga netizens, nakadalo raw si Marcos sa "Toni Talks" pero hindi raw pinaunlakan ang presidential interview.

"present sa Toni Talks, wala sa presidential debate?"

"umattend sa toni talks pero sa presidential interview hinde?? baka bbm yan"

"jusko kung ako rin siguro sya sa Toni Talks na lang ako"

"KAGIGISING KO LANG MARCOS DUWAG HANGGANG TONI TALKS KA LANG PALA EH EMEH HBJDSBABHSDHBASBHDBHASDBHABHSDBHASBHDABHSDAS"

"pero present sa toni talks? kasal? binyag? pero sa dq case hearing niya? tapos ito? lol nakapag-duwag talaga nito. Kung sincere ito mamuno dapat bibong-bibo siya ihayag yung plataporma niya."

"A man that flies from his fear may find that he has only taken a short cut to meet it. Pero present sa Toni Talks? If you can't handle the heat you better get out of the kitchen, Marcos! Daig kapa ni Manny. Lol. Ito panaman yung pinaka hinihintay ko!!"

"hanggang toni talks lang si #MarcosDuwag dahil alam niyang aalagaan siya ng host at hindi magtatanong ng ikapapawis ng kanyang kili-kili at batok. #TheJessicaSohoPresidentialInterviews bukas na minus mandarambongbong."

"sana si Ka Leody na lang ang inimbitahan instead na si BBM na duwag naka-attend sa toni talks pero sa debate hindi? amp*ta"

"the audacity to show up on a show like toni talks but declined to show up for the gma news jessica soho presidential interview? enough with your petty excuses."

Basahin:https://balita.net.ph/2021/09/13/bongbong-marcos-im-really-tired-of-hearing-lies-that-have-already-been-disproven/" target="_blank">https://balita.net.ph/2021/09/13/bongbong-marcos-im-really-tired-of-hearing-lies-that-have-already-been-disproven/

Sa kanyang panayam sa Toni Talks, tila sanay na si Marcos sa mga bashersdahil nang tanungin siya kung paano niya hina-handle ang mga ito, aniya, walang sinuman sa mga nanalong politiko ang hindi binash o sinabihan ng masama.

“We’re in political life… nobody won an election with one hundred percent of the vote. No one ever anywhere, unless they cheated.If you’re making your enemies angry, you’re doing a good job,”paliwanag nito.

“If you haven't made any enemies, you haven't done anything… ayan ang buhay ng politika eh. Hindi mo maiiwasan ‘yan eh… Tignan mo, our president now, if you look at the surveys, ang taas-taas ng popularity ng approval rating at lahat— meron pa ring galit sa kanya, meron pang minumura siya, meron kung anu-ano pa ang sinasabi. Hindi mawawala ‘yan eh,” ani presidential aspirant.

Ibinahagi rin ng dating senador na isa mga pagod na niyang marinig ay ang mga umanong kasinungalingan:“I’m really tired of hearing lies that have already been disproven."

Kamakailan ay naging kontrobersiyal ang hindi pagsipot ni Bongbong sa isang Comelec hearing kaugnay sa kanyang disqualification case.

Samantala, ang "The Jessica Soho Presidential Interview" ay eere sa GMA ngayong Sabado, Enero 22, 2022, 6:15 P.M.