Sa ulat ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, Enero 21, nakapagtala sila ng 32,744 na bagong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sanhi upang umabot sa 291,618 ang aktibong kaso sa bansa.
Umakyat sa 3,357,083 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso simula nang magkapandemya noong 2020.
Karamihan sa mga kaso ay na-detect sa Metro Manila, Calabarzon, at Central Luzon.
Nasa 277,883 ang nakararanas ng mild symptoms, 9,015 ang walang sintomas, 2,979 ang moderate condition, 1,487 ang severely ill, habang 304 nasa kritikal.
Naiulat din ng DOH na 16,385 na pasyente ang gumaling. Samantala, 156 ang naitalang bagong namatay.
Sa kasalukuyan, umakyat sa 3,012,156 ang recoveries habang 53,309 ang kabuuang death toll.
Nitong Huwebes, Enero 20, inanunsyo ng Malacañang na isasailalim sa Alert Level 4 ang Kalinga, Ifugao, Mountain Province, at Northern Samar.
Analou de Vera