SAN PEDRO CITY, Laguna-- Hindi nakapalag ang isang delivery rider at kasama niyang babae matapos mahulihan ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalagang ₱350,000 sa isang drug buy-bust operation.

Kinilala ni Laguna Police acting provincial director Col. Rogarth B. Campo ang mga suspek na sina Gilbert Gabatin alyas "Bert," delivery rider, residente ng Brgy. Maharlika, San Pedro City Laguna, at Mary Grace Lorona, residente ng Brgy. Poblacion, Muntinlupa City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon kay Campo, nakuha sa mga suspek ang 10 sachet ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 50 gramo at may street value na ₱350,000 at ₱1,500 na buy-bust money.

Ang mga nadakip ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng San Pedro Police Station at nakatakdang kasuhan ng paglabag sa RA 9165 or the Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

“The intensified Anti-Illegal Drugs Operation of Laguna PNP produced extra triumph with the support of the community. We will endure to stretch our effort to win our war against Illegal drugs,” ayon kay Campo.

Danny Estacio