Sari-saring kagamitang militar na nagkakahalaga ng P1 bilyon (Renminbi/RMB 130 milyon) ang naibigay ng gobyerno ng China sa Pilipinas kamakailan, ayon sa Department of National Defense (DND).
Sinabi ng tagapagsalita ng DND na si Arsenio Andolong na ang unang batch ng mga donasyon ay dumating sa Maynila noong Enero 16. Ang mga ito ay binubuo ng humigit-kumulang RMB 76 milyon o P615 milyon na halaga ng kagamitan.
“The donation comprises various military equipment such rescue and relief equipment, drone systems, detectors, water purification vehicles, ambulances, firetrucks, x-ray machines, EOD robots, bomb disposal suits and transport vehicles; and engineering equipment such as backhoes, dumptrucks, forklifts, and earthmovers,” ani Andolong sa isang pahayag nitong Biyernes, Enero 21.
Ang mga kagamitan ay pormal na ibibigay sa DND at Armed Forces of the Philippines sa susunod na buwan, dagdag ni Andolong.
Samantala, ang pangalawang batch ng mga donasyon na nagkakahalaga ng RMB 54 o humigit-kumulang P437 milyon "ay ihahatid sa mga susunod na mga araw" dagdag ng defense official.
Ang pinakahuli sa mga proyektong ito ay ang pagkuha ng BrahMos supersonic missiles mula sa India noong Disyembre 31, 2021 na gagamitin para patibayin ang territorial defense ng bansa sa West Philippine Sea — isang tensiyonal na rehiyon sa South China Sea na parehong inaangkin ng Manila at Beijing sa kabila ng pasya ng tribunal noong 2016 na pabor sa Pilipinas.
Martin Sadongdong