Binalaan ngFood and Drug Administration (FDA) ang publiko sa pagbili ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) test kits sa mga hindi pinahihintulutang distributor at sinabing mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta nito online.

"The FDA hereby informs all concerned stakeholders and the general public that as of this date, there are no FDA certified self-administered COVID-19 test kits. The FDA highly encourages to acquire FDA certified COVID-19 test kits through authorized importers or their authorized distributors with LTO (license to operate),” sabi ng ahensya.

Kaugnay nito, inatasan na ng FDA ang kanilangRegional Field Offices at Regulatory Enforcement Units na magsagawa ng mahigpit na pagbabantay sa hindi tamang pamamahagi ng lahat ng COVID-19 test kits, upang matiyak na maipatutupad nang maayos ang regulasyon ng pamahalaan.

Kaugnay nito, nanawagan ang ahensya sa publiko na isuplong sa kanila ang namamahagi sa publiko ng hindi sertipikadong COVID-19 test kits.

Eleksyon

Alyansa para sa Bagong Pilipinas, 'di welcome sa BulSU