Bukod sa aktres na si Ryza Cenon, isa rin sa mga nabagbag ang damdamin sa balitang pagkakakulong ng isang 80 anyos na lolo matapos mamitas ng 10 kilong mangga, ang vlogger, social media personality, negosyante, at pilantropong si 'Shiwen Lim'.
Ayon sa kaniyang Facebook post nitong Enero 19, balak niyang sagutin ang piyansa ng lolo at bigyan ito ng trabaho at sariling abogado.
"PINAKULONG N'YO DAHIL LANG SA MANGGA? PAKI-SEND FULL ADDRESS NI TATAY AT KUNG SAAN S'YA NAKA-DETAIN SAGOT KO NA PANG PIYANSA N'YA, BIBIGYAN KO PA NG HANAPBUHAY PARA DI NAKAKAHIYA SA NAGPAKULONG SA KANYA," saad ni Shiwen.
"BIGYAN KO DIN S'YA PRIVATE LAWYER NA TUTUTOK SA KASO NYA. YUNG MAGBIBIGAY NG DETAILS MAY FREE SHOES SAKEN. PAKIBATID SA PAMILYA NI LOLO PO ITONG POST. SALAMAT."
Ipinakita rin ni Shiwen ang screengrab ng kaniyang pakikipag-ugnayan sa Facebook page ng Asingan Police Station.
"Update mga kapatid, aksyunan natin 'to kaagad! Salamat sa inyong lahat. To God be all the glory! Mabait ang Panginoon!"
Agad na nagtungo si Shiwen at ang kaniyang mga kasama sa Asingan Police Station sa Pangasinan.
"Wala nang intro-intro! Tara na sa Asingan Police Station, Pangasinan para tulungan si Lolo Narding Foro na pinakulong dahil sa ninakaw daw na mangga! Wala tayong sasayangin na oras Sabay-sabay natin tulungan si lolo. Pray for lolo & pray for our trip!"
Maya-maya, nagbigay siya ng update na nakarating na sila sa police station. Dahil hindi pa visiting hours, matiyaga silang naghintay.
"Touchdown ASINGAN PANGASINAN POLICE STATION. Wait natin visiting hours para makausap muna si Lolo Narding Floro at maabutan ng mga needs nya. Will do our best para tulungan siya. Hindi po namin kayo bibiguhin. Pray lang nang pray may awa ang Panginoon."
At sa latest update niya ay mukhang nagtagumpay siya sa pagtulong kay Lolo Narding. Inilatag din niya sa matanda at sa mga kamag-anak nito kung ano ang plano niya para sa kaniya.
"We made it! Tulad ng ipinangako natin, napuntahan na natin si LOLO NARDING FLORO, wag na po kayo mag-alala. Binigyan na natin s'ya ng pampiyansa at good news makakalabas na po siya today! Salamat sa kaibigan natin na si Atty. JAMES FERNANDEZ (from PAO URDANETA PANGASINAN) salamat po maaga pa lang naka-standby na kami kanina sa prisinto para masiguro ang paglaya ni Tatay ngayong araw."
"Na meet at nakausap din po natin mga kamag-anak ni Lolo Narding at inabutan ng tulong para sa kanila at kay Lolo. Bago kami umuwi, nilatag ko sa kanila ang plano ko kay Lolo at nangakong babalik para mabigyan ng pangkabuhayan si Lolo."
Nagpasalamat naman si Shiwen sa mga tumulong sa kaniya upang maisakatuparan ang misyong pagtulong kay Lolo Narding.
"Salamat sa lahat ng tumulong at nag-pray para kay Lolo Narding, patunay lang ito na mahal tayo ng Panginoon at kailanman di Niya tayo pababayaan. Salamat din sa mga tiwalang ibinigay n'yo sa amin lalo na sa akin. Salamat kasi binigyan n'yo na naman kami ng pagkakataon na pagsilbihan ang Panginoon. To God be all the Glory! #missionaccomplished #savelolonarding