Hihigpitan ang paghithit o paggamit ng vape at iba pang uri ng tabako sa paninigarilyo.

Pinagtibay ng Bicameral Conference Committee ng Kamara at ng Senado noong Miyerkules ang bicameral report na nag-ayos sa nagkakaibang mga probisyon ng House Bill 9007 at Senate Bill 2239, na ang layunin ay ma-regulate ang pag-import, paggawa, pagbebenta, packaging, distribusyon, at paggamit ng vaporized nicotine and non-nicotine products at maging ng novel tobacco products.

Tiniyak ng House contingent sa pamumuno ni Deputy Speaker Wes Gatchalian at ng Senate panel sa ilalim ni Senate President Pro Tempore Senator Ralph Recto, na ang mga rekomendasyon ng kinauukulang mga ahensya at stakeholders, ay makakasama sa bicam report.

Sa ginanap na hybrid conference meeting, binigyang-diin ni House Deputy Speaker Rufus Rodriguez na ang panukala ay naglalayong mag-alok ng isang mabuting alternatibo sa mga Pilipino na nais nang tumigil sa paninigarilyo.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, sinabi ni Recto hindi sinusuportahan ng panukala na ang vaping magiging status symbol o bilang "lifestyle.” 

Bert de Guzman