Pinayuhan ng Department of Health (DOH) sa Region 7 nitong Miyerkules ang publiko na huwag mangamba o mag-panic sa kabila ng naiulat na 22 na kaso ng Omicron variant sa rehiyon.

Binanggit din ni DOH-7 chief pathologist Dr. Mary Jean Loreche, na mayroon nang community transmission ng variant sa rehiyon dahil lima sa 22 kumpirmadong kaso ay galing sa community samples, habang 10 naman ay mula sa overseas Filipino workers, anim ay mula sa returning Filipino workers at ang isa ay galing sa isang dayuhan.

Ang mga nasabing kaso aniya ay kinumpirma ng Philippine Genome Center (PGC).

Aniya, dinadagsa ngayon ng mga mamimili ang mga botika sa rehiyon upang bumili ng mga gamot para sa lagnat, ubo at sipon matapos ang ulat na nakapasok na ang Omicron variant sa lugar.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Dahil dito, nagkakaubusan na aniya ng gamot sa mga botika sa Cebu.

“We really don’t have medicines in our drugstores. We run out of supply. But we have a meeting with distributors and suppliers, including pharmaceutical associations. We are assured that between January 20 and 25, we should be able to monitor the arrival of supply replenishment,” aniya.

Pinayuhan din nito ang publiko na nakararanas ng mga sintomas ng trangkaso na bumili na lamang ng generic na gamot. Mas makatutulong din aniya kung uminom ng sapat na tubig, ginger tea o calamansi juice, gayundin ang pagpupunas ng maligamgam na tubig upang makontrol ang init sa loob ng katawan.

PNA