Ibinida ni Gretchen Barretto ang donasyon ng Pitmaster Foundation, Inc. na paghahati-hatian at ipamamahagi sa 17 local government units (LGU) ng Metro Manila.

Ang chairman ng Pitmaster Foundation, Inc. (Pitmaster Cares) ay ang kaibigan at business partner niyang si Charlie 'Atong' Ang.

Ibinahagi ni Greta sa kaniyang Instagram post ang screengrab mula sa social media post ng Metropolitan Manila Development Authority, katuwang ang Department of Health (DOH) at Department of Interior and Local Government (DILG) na mga departamentong tumanggap ng ₱50 million worth ng rapid antigen test at ₱50 million cash assistance mula sa foundation ni Atong.

"The foundation also committed to donate ambulances and COVID-19 home care kits also for NCR," saad pa sa social media post.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Gretchen Barretto (Screengrab mula sa IG/Gretchen Barretto)

Ang Pitmaster Foundation, Inc. ay nasa ilalim ng United Association of Cockpit Owners and Operators of the Philippines. (UACOOP).

"The Foundation was primarily established to provide aid to indigent Filipinos nationwide, specifically to patients (i) undergoing regular Renal Replacement Therapy (Hemodialysis); (ii) diagnosed with CKD (ESRD Stage V), in both public and private hospitals; and (iii) those needing the basic necessities for a hemodialysis treatment, such as Dialyzer and Epoetin Alfa injection," nakasaad sa deskripsyon nito.

Sa pagpapatuloy, "Part of the Foundation's future plans are the following: provide ambulance and other healthcare facilities to every local government unit, which is an ongoing project of the Foundation; extend medical and financial assistance to those who are getting treatment from other forms of sickness and/or disease; and roll out programs which will be responsive in times of disaster and calamities, through nationwide relief operations and disaster risk management."

May be an image of 5 people, people standing and indoor
Larawan mula sa FB/Pitmaster Cares

Samantala, si La Greta naman ay kilala sa pamamahagi ng ayuda (grocery items) sa mga kasamahan sa showbiz, magmula sa mga kapwa artista, direktor, staff, crew, at iba pang mga taong may kinalaman sa likod at harap ng camera.