Umapela si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III kayPublic Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta na magpabakuna na laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
"Unang una, ako ay nanawagan kay PAO chief Acosta na dahil palagay ko malapit na din siya maging senior citizen ay dapat mabigyan siya ng karagdagang proteksyon sa pamamagitan ng bakuna,” sabi ni Duque nitong Huwebes, Enero 20.
Mahalaga aniyang makapagpaturok si Acosta dahil may iniinda umano itong sakit
“Nandito na ang bakuna natin, ayaw naman natin na malagay siya sa isang napakapeligrosong katayuan lalo na kapag ito ay severe to critical COVID infection na alam natin nabibiktima nito ang mga senior citizens at mga taong gaya ng sinabi njya meron daw siyang ibang mga sakit," pahayag ng kalihim.
"So, maslalo na dapat magpabakuna siya bunsod ng kanyang comorbidities. So nakikiusap ako alang-alang sa kanyang kalusugan at sa buhay niyaay sumali na siyaat magpabakuna na din siya," giit ni Duque.
Kamakailan, inamin ni Acosta na hindi pa siya nagpapabakuna, gayunman, nilinaw nito na hindi siya anti-vaxxer.
Analou de Vera