Nakapag-administer na ng 4,023,817 doses ng COVID-19 vaccine ang probinsya ng Bulacan kabilang na ang first, second, at single doses mula noong sinimulan ang vaccine rollout noong Marso 8, 2021 hanggang Enero 16, 2022.

Ayon sa ulat ng Provincial Health Office na ipinost sa https://covid19updates.bulacan.gov.ph/, nasa 1,883,981 ang fully vaccinated laban sa COVID-19 habang 1,947,467 ang nakatanggap ng first dose.

Samantala, nakatanggap na rin ng booster dose ang 192,369 na Bulakenyos.

Ayon kay Gobernador Daniel R. Fernando, mas maraming Bulakenyo ang nahikayat na magpabakuna bilang resulta ng pinaigting na kampanya ng pamahalaan sa mga benepisyo ng bakuna laban sa virus.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Sinabi rin ni Fernando na malapit nang makamit ng Bulacan ang herd immunity laban sa COVID-19.

Nakakuha ng 4,586,231 doses ng COVID-19 vaccine ang Bulacan mula sa national government. Sa naturang bilang, 1,6,34,776 ang Sinovac; 547,372 Astrazeneca; 1,564,395 Pfizer; 163,200 Janssen, 592,208 Moderna, at 84,280 Sinopharm. 

Freddie Velez