Matapos ma-stranded sa Spain, nakauwi na rin sa Pilipinas ang 49 na Pinoy seaman at 10 na turista kamakailan.

Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), kaagad na naghanda ng isang chartered flight ang kumpanyang Travel Cue matapos umapela ang mga shipping company na pauwiin na sa bansa ang 59 na Pinoy na matagal ng stranded sa nabanggit na bansa.

Bago makauwi sa Pilipinas, nilinaw ng DFA na humingi muna ng tulong sa Consulate General at Philippine Embassy sa Madrid ang 10 na turista. 

“Philippine Team Spain worked closely with Travel Cue and concerned authorities in Spain and the Philippines to give clearance for the chartered flight to fly from Barcelona and enter the Philippines.The passengers will observe the quarantine protocols in place pursuant to the latest IATF resolution,” ayon pa sa DFA.

National

First Family bumati sa buong bansa; 'Ang Pasko ay pamilya'

Bella Gamotea