Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na nakapagtala pa sila ng panibagong 31,173 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Huwebes, Enero 20, 2022.

Ito ang inanunsyo ng DOH at sinabing mayroon ng kabuuang 3,324,478 na COVID-19 cases sa bansa.

Sa naturang bilang, 8.3% pa o 275,364 ang aktibong kaso o nagpapagaling sa karamdaman, kabilang dito ang 262,168 mild cases; 8,424 asymptomatic; 2,979 moderate cases; 1,488 severe cases; at 305 critical cases.

Nakapagtala rin naman ang DOH ng 26,298 bagong gumaling sa sakit.

Eleksyon

Luis Manzano natalo, pero 'panalo' pa rin daw dahil sa mga Batangueño

Sa ngayon, umaabot na sa 2,995,961 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.1% ng total cases.

Gayunman, umabot pa sa 110 ang naidagdag na bilang ng namatay sa karamdaman kaya naitala na sa 53,153 kabuuang COVID-19 deaths sa bansa.

Mary Ann Santiago