Inaresto ng pulisya ang dalawang Chinese matapos umano nilang hingian ng pera ang isa nilang kababayan na nagtatrabaho sa kanila sa Parañaque City nitong Enero 18.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) chief, Brig. Gen. Jimili Macaraeg ang mga suspek na sina Caimu Chen,41, at Qiao Zhuhua, 25.  

Sa police report, dinakip ng mga tauhan ng Intelligence Section ng Parañaque City Police ang dalawang suspek sa loob mismo ng nakaparadang sasakyan ng mga ito sa Ninoy Aquino Avenue, Barangay San Dionisio sa nasabing lungsod, dakong 9:00 ng gabi.

Nauna rito, tinawagan ng biktimang si Li Menghai sina Chen at Zhuhua upang kunin ang kanyang mga personal na gamit, partikular ang Chinese passport at visa nito.

Metro

10 miyembro ng medical team, naaksidente matapos ang duty sa Traslacion

Gayunman, hinihingan ng dalawang suspek ng ₱1,000,000 kapalit ng passport at visa ng biktima kaya agad siyang nagsumbong sa pulisya na agad na nagsagawa ng entrapment operation.

Nahaharap ang dalawang suspek sa kasong robbery extortion, ayon pa sa mga awtoridad.

Bella Gamotea