TABUK CITY, Kalinga - Aabot sa₱90 milyong halaga ng tanim na marijuana ang sinirang magkasanib na puwersa ng Police Regional Office-Cordillera at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang dalawang araw nabig-time eradication sa kabundukan ng dalawang lugar sa Tinglayan ng lalawigan.

Ang operasyon na tinawag na "Coplan Storm Breaker" ay nagresultang pagkakadiskubre ng anim na plantation sites sa Brgy. Loccong at Brgy. Butbut Proper sa Tinglayan noong Enero 18-19.

May kabuuang 280,000 piraso ng fully grown marijuana plants (FGMP) na nagkakahalaga ng₱56,000,000.00 ang binunot at sinunog sa Brgy. Loccong.

Bukod dito ay narekober pa ang 150 kilo ng dried marijuana leaves na nagkakahalaga ng₱18,000,000.00.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Sa Barangay Butbut Proper ay pinagbubunot naman ang 80,000 piraso ng FGMP na nagkakahalaga ng ₱16,000,000.00. 

Sa kabuuan, binunot at sinunog ang 360,000 piraso ng FGMP na may halagang ₱72,000,000.00 mula sa 36,000 square meters land area at 150 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may kabuuang ₱90,000,000.00. 

Inihayag ni Kalinga Provincial Police Director Peter Tagtag, ang nasabing operasyon ay una sa pinakalamaking halaga ng marijuana plants ang sinira sa unang buwan ng taong 2022.

Zaldy Comanda