Naitala na ng Cagayan ang unang dalawang kaso ng Omicron variant ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Martes, Enero 18.

Ito ang kinumpirma ni Provincial Health Officer, Dr. Carlos Cortina III at sinabing kabilang sa nahawaan ng variant ay ang isang taga-Cato, Tuao, Cagayan na may travel history sa Metro Manila habang ang ikalawa ay taga-Caggay Tuguegarao City sa nasabi ring lalawigan.

Sa inilabas na impormasyon ng Cagayan Information Office, binanggit ni Cortina na "clinically recovered" na ang dalawa.

Natuklasang nagpositibo sa variant ang dalawa nang isailalim sa sequencing ng Philippine Genome Center ang kanilang samples noong Disyembre ng nakaraang taon.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Sa kasaluuyan, aabot na sa 1.9 milyong indibidwal ang bakunado na sa lalawigan laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH)-Region 2.

Liezle Basa Iñigo