Mas komportable umano ang character actor na si Sid Lucero na gumawa ng maiinit na love scene sa kapwa lalaki kaysa sa babae, kapag gumagawa ng pelikula.

Lagari si Sid sa paggawa ng pelikula noong 2021, na ipalalabas na ngayong 2022---ang 'Reroute' at 'Silip sa Apoy', na parehong may 'jugjugan' scenes.

Chika ni Sid sa panayam ng Philippine Entertainment Portal o PEP, hindi na siya gumamit ng plaster sa maiinit na eksena sa dalawang pelikula.

“Mas madali nga kapag may love scene with a guy because you both don’t want to do this and you will both do your best para isang take lang, tapos na. With the ladies, very different, because marami ka kailangan alagaan at pati sila, maraming inaalagaan," aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

"Maraming pumapasok sa industriya na hindi buong pamilya nila sang-ayon sa mga gagawin nilang eksena. Merong iba diyan na may mga minamahal na hindi rin sang-ayon. So, gagawa sila ng eksena na labag sa mga nangyayari sa personal life nila so nahihirapan silang gawin ang mga 'yun."

“So, hindi ko rin puwedeng hindi isipin ‘yan. The most important thing para sa akin is makilala ako on a certain level ng katrabaho ko para hindi ko kailangan isipin na kapag ginawa ko ito, iisipin nila na ganoon talaga ako."

Mahalaga rin umano para kay Sid na malaman ang limitasyon sa mga 'kangkangan' scene ng kaniyang mga kapareha, gaya nina Cindy Miranda at Angeli Khang.

Alam naman ng lahat na nagmula sa artista clan si Sid na pawang mahuhusay rin sa kanilang craft, gaya nina Michael De Mesa, Gina Alajar, Cheri Gil, at mismong amang si Mark Gil, kaya naman ginagawa niya ang best niya upang mas maging kapani-paniwala ang mga eksena. Bukod sa mga kangks scenes ay hindi rin naman matatawaran ang angking husay sa pag-arte ni Sid.