Isa sa mga napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa kanilang radio program na 'Cristy Fermin' ang umano'y namumuong 'dedmahan' na raw sa pagitan nina Megastar Sharon Cuneta at tita niyang si Helen Gamboa, gayundin sa mga pinsan niyang sina Ciara Sotto at iba pa.

Sa ngayon kasi ay magkalaban sa kandidatura sa pagka-pangalawang pangulo sina Senate President Tito Sotto na mister ni Helen, at ang mismong mister ni Mega na si Senador Kiko Pangilinan.

Napansin umano ng mga netizen na nag-post si Shawie ng throwback photo ng magkapatid na Helen Gamboa at yumaong inang si Elaine Cuneta. Naka-tag ito sa kina Helen, Ciara, at iba pang miyembro ng pamilya Sotto. Ngunit wala ni isa man sa mga ito ang nag-react umano sa naturang throwback photo.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Helen Gamboa at Elaine Cuneta (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

"Before when Sharon tag Ciara and the rest on her post they will give comments right away. Praying for all of them. Family is forever," komento ng isang netizen.

Tanong nina Cristy at Romel, simula na ba ang 'dedmahan' ng dalawang pamilya dahil sa politika?

"Sa dami naman po kasi ng posisyon na puwedeng pag-agawan o paglabanan sa ating pamahalaan, ay kung bakit pinagtiyap pa ng pagkakataon na ang magkakalaban ay sina Senate President Tito Sotto at Senador Kiko Pangilinan," ayon pa sa showbiz columnist.

Naaalala pa raw ni Cristy na simula nang sumakabilang-buhay na ang nanay ni Shawie, si Helen na ang itinuturing nitong 'Mama.' Malaki rin daw ang naging ambag ni Titosen sa naging takbo ng showbiz career ni Mega.

Kaya hangad ng dalawang hosts, sana raw ay magkaayos ang dalawang pamilya pagkatapos ng eleksyon at kung anuman ang maging resulta nito.

"Meron po talagang pagmumulan ng mga tampuhan. Sila po ay mga edukadong tao na hindi naman natin maaasahan na magbangayan in public at magbatuhan ng kanilang mga dirty linens in public," giit pa ni Cristy.

"Sana lang, dalangin natin, hindi gaanong maapektuhan ng politika ang magandang relasyon ng dalawang pamilya."

In fairness naman daw ay tinawagan, nagpaalam, at nagpasintabi si Senator Kiko kay Titosen nang sabihan siya ni Vice President Leni Robredo na siya ang napipisil na maging running mate nito.

Ayon daw kay Titosen, ganoon daw talaga at wala naman siyang magagawa.

Kung anuman daw ang maging resulta ng eleksyon, nawa ay maging maayos pa rin ang relasyon ng pamilya Cuneta-Pangilinan sa mga Sotto.