NEW YORK, United States — Pumanaw na ang Espanyol na si Saturnino de la Fuente Garcia, sa edad na 112 taon at 341 araw, ang pinakamatandang nabubuhay na tao sa mundo,  pagkukumpirma ng Guinness World Records nitong Miyerkules.

Siya ay idineklarang pinakamatandang nabubuhay na tao sa mundo sa edad na 112 taong gulang at 211 araw, sabi ng London-based organization, nakatakda sanang ipagdiwang ang kanyang ika-113 kaarawan sa susunod na buwan.

Ipinanganak sa Castro, Leon, noong Pebrero 11, 1909, dahil sa kanyang tangkad lang sa 1.5 metro (4.9 talampakan) ay umiwas si de la Fuente na ma-draft para lumaban noong 1936 Spanish Civil War at sa halip ay nagpatakbo siya ng isang matagumpay na negosyo ng sapatos.

Nagkaroon siya ng pitong anak, 14 na apo at 22 apo sa tuhod.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ayon sa website ng Guinness, ang pinakamatandang taong naitala ay si Jeanne Louise Calment ng France na namatay noong 1997 sa edad na 122 taon at 164 na araw, na ipinanganak noong Pebrero 1875.

Agence-France-Presse