Isinara ang passenger lodging facilities ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 matapos magpositibo sa coronavirus disease (COVID-19) ang dalawang dayuhang turista na nanatili sa lugar.

Ayon kay airport operation personnel Apolonio Mendoza, ng pagsasara ay direktiba ng Bureau of Quarantine.

Aniya, pinayuhan ang pinuno ng lodging facility at siyam na airport staff na sumailalim sa self-isolation sa loob ng pitong araw.

Ang Passengers lodging facilities sa NAIA Terminal 1 ay nagsisilbing transit hotel para sa mga pasaherong nagka-aberya sa paliparan lalo na ang mga pasaherong pinagbawalan ng Bureau of Immigration na makapasok sa bansa.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Ariel Fernandez