Giit ni Senate Minority Leader Franklin Drilon nitong Miyerkules, hindi dapat payagan ng Malacañang at ng Department of Justice (DOJ) na mag-ulat sa trabaho si Public Attorneys Office (PAO) Chief Persida Acosta para sa patuloy niyang pagtanggi na magpabakuna laban sa COVID-19.
Sinabi ni Drilon na hindi katanggap-tanggap na habang hinihikayat ng gobyerno ang mga tao na magpakuha ng kanilang mga bakuna para sa COVID-19, si Acosta ay nananatiling hindi bakunado.
“Hindi ba sampal iyon sa gobyerno,” sabi ni Drilon sa isang pahayag.
“I hope it is not deliberate but Acosta’s recent statements can fuel vaccine hesitancy that we are trying to address,” dagdag ng senador.
Sinabi ni Drilon na nananatiling isang malaking suliranin ang bilang ng mga Pilipinong ayaw magpabakuna.
“One of them, unfortunately, is a member of the administration. Acosta can make a good case study for the government. If you can convince Acosta to get vaccinated, then the government has a better chance of persuading every Juan dela Cruz to get vaccinated,” sabi ni Drilon.
Aniya pa, “But until she gets vaccinated, she should be barred from reporting to work.”
Sinabi ng Senate minority chief na ang gobyerno ay maaakusahan ng “double standards” kung hahayaan nitong mag-ulat si Acosta sa trabaho habang nililimitahan nito ang paggalaw ng mga hindi bakunadong ordinaryong Pilipino.
“If the government is serious about its ‘no vax, stay at home; no vax, no ride policy,’ it should apply it to all. Otherwise, it will not work,” ani Drilon.
“The government should take the same hardline stance against their own officials. Set an example with Acosta,” pagbibigay-diin niya, habang idinagdag na ang pagbabawal sa PAO chief mula sa pag-uulat sa trabaho ay magiging nakadantay sa pahayag ng Pangulo na maghigpit sa paggalaw ng mga hindi nabakunahang indibidwal “for the common good.”
Inulit din ni Drilon na nasa kapangyarihan ng Estado na higpitan ang paggalaw ng mga hindi bakunadong indibidwal.
“It is a valid and reasonable exercise of police power to promote the health, safety, and general welfare of the people. The general welfare clause also provides sufficient authority to the State to implement measures for the ‘maintenance of peace and order, the protection of life, liberty, and property, and promotion of the general welfare,’” sabi ng senador.
“The State may also interfere with personal liberty to promote the general welfare as long as the interference is reasonable and not arbitrary,” dagdag ng batikang mambabatas.
Hannah Torregoza