Iniurong ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsisimula sana ng pag-iimprenta ng mga balota na gagamitin sa 2022 National elections nitong Miyerkules, Enero 19 dahil sa mga teknikal na dahilan.

Kaagad na inanunsyo ni Comelec spokesperson James Jimenez na itinakda ang inaasahang paglilimbag ng mga balota sa Huwebes, Enero 20.

“The printing committee, taking into consideration various technical factors, has moved the start of printing to a date yet to be announced. Tentative start of ballot printing is tomorrow, January 20, 2022," anang opisyal.

Nilinaw din nito, ang muling pagtatakda ng petsa naturang pag-iimprenta ay hindi makaaapekto sa halalan sa susunod na taon.

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

“The committee assures the public that this later start will not negatively impact the Comelec’s preparations for the elections. The ballot faces will be released as soon as thefinalizationprocess has been completed," pagdadahilan nito.

Inaasahang maiimprenta ang kabuuang 67,442,714 na balotanggagamitin sa eleksyon sa Mayo 9.

PNA