Dinepensahan ni Senador Christopher “Bong” Go nitong Miyerkules ang hakbang ng Department of Transportation (DOTr) na ipatupad ang “no vaccine, no ride” policy sa Metro Manila sa kabila ng pagtutol ng publiko.

Sinabi rin ni Go, tagapamuno ng Senate Committee on Health and Demography, na malugod niyang tatanggapin ang anumang posibleng imbestigasyon o congressional inquiry ukol sa patakaran.

“I welcome any investigation, if warranted. Dapat ipaintindi sa tao ang polisiya kaysa pag-awayan ito,” sabi ni Go sa isang pahayag.

“The ‘no vax, no ride’ policy, I am told, is designed to protect the unvaccinated individuals, considering that 85 percent of COVID-19 patients at the ICUs requiring mechanical ventilators in DOH hospitals in Metro Manila are not vaccinated,” pagpupunto ni Go.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“This policy, after all, is just one of the many pandemic measures, including guidelines on non-essential travels, health protocols, and activities, among others, that we had been implementing to regulate movements of people particularly amid increasing number of cases. Metro Manila is presently under Alert Level 3,” aniya pa.

Ipinaliwanag din ni Go na bagama't hindi mandatory ang pagbabakuna laban sa COVID-19 at hindi nila mapipilit ang mga tao na tumanggap nito, hihikayatin pa rin ng gobyerno ang mga hindi pa nabakunahan na sumang-ayon sa proseso.

“Ang bakuna ang susi natin para malampasan ang pandemya at makabalik na tayo sa normal na pamumuhay. Alalahanin natin na ang pagiging bakunado ay pagiging parte ng solusyon sa laban natin kontra COVID-19,” giit niya.

Nang hingan ng pahayag, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na ang patakarang "no vaccine, no ride" ay nagdulot lamang ng kalituhan sa mga commuter lalo na dahil sa mga discriminatory tendency nito.

“Sa totoo lang, nakakagulo lang ang ‘No vaccination, no ride’ policy. Wala sanang kailangang linawin kung pinag-isipan at dumaan ito sa konsultasyon bago ipinatupad. Binulabog lang nila ang mga commuters,” ani Hontiveros.

Sinabi ni Hontiveros na walang batayang halaga na patunayan na ang isang manggagawa ay isang "essential worker" bago siya sumampa sa pampublikong transportasyon.

“Paano naman ang nasa informal economy at yung mga naghahanap ng trabahong unvaccinated or partially vaccinated, hindi ba sila papasakayin,” dagdag na punto ng senadora.

Sinabi ng senadora na dapat isaalang-alang ng gobyerno na sa puntong ito, mas maraming manggagawa ang maghahanap ng paraan para makakuha ng trabaho at maghanap ng mga paraan para kumita ng pera.

“Ngayong panahon ng pandemya, lahat ng diskarte para kumita at makapaghanapbuhay ay essential. All workers are essential workers,” Hontiveros stressed.

“Essential service ang pampublikong transportasyon para sa lahat. Hindi ito dapat ipinagkakait lalo pa sa ating mga manggagawa, vaccinated man o hindi,” she stressed.

Hannah Torregoza