Matapos na tuluyan nang magbukas ang COVID-19 vaccination site sa bagong rehabilitate na Manila Zoo, pinag-iisipan naman ngayon ni Manila Mayor na dalhin na rin ang pagbabakuna sa dolomite beach.

Aniya, kung matutuloy ang plano, magiging mas ligtas ang mga magpapabakuna sa dolomite beach dahil open-air at malaki ang espasyo nito.

Kaugnay nito, hinikayat rin ng alkalde ang lahat ng mga magulang na may anak na 5-anyos hanggang 11-anyos na mag-pre-register na sa mass vaccination program ng lokal na pamahalaan upang ang kanilang mga anak ay agad na mabakunahan sa sandaling magbigay na ng ‘go signal’ ang pamahalaan.

Tiniyak naman ni Moreno na maaari ring magpabakuna sa Maynila ang mga batang kabilang sa 5-11 age group, kahit sila ay hindi residente ng lungsod.

Duterte siblings, nag-bonding: 'Always something to be grateful for'

Nitong Miyerkules, pinangunahan ni Moreno ang pormal na pagsisimula ng mass inoculation para sa mga bata at matatanda sa vaccination hub na inilagay sa newly-rehabilitated na Manila Zoo.

Kasabay nito, pormal na ring nagbukas ang Zoo para sa publiko.

“Nakapagpabakuna na kayo, nakapamasyal pa kayo,” anang alkalde.

Mary Ann Santiago