Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules, Ene. 19 ang dalawang nasawi mula sa coronavirus disease (COVID-19) Omicron variant.

Hindi pa naglalatag ng dagdag-impormasyon ang DOH kung ito ang mga unang nasawi dahil sa Omicron sa bansa gayundin ang mga detalye tulad ng status ng kanilang pagbabakuna at kung lokal o banyaga ang mga ito.

Sa isang pahayag, sinabi ng DOH na naka-detect ito ng Omicron 492 karagdagang local at foreign cases mula sa Returning Overseas Filipinos (ROF) sa pinakahuling batch ng genome sequencing na ginawa noong Enero 13 hanggang 14.

Sinabi ng DOH na ang Omicron cases ay binubuo ng 332 local cases at 160 ROFs. Sa 332 lokal na kaso, ang nakasaad na address ng mga kaso ay mula sa National Capital Region (NCR) na may 227 kaso, CALABARZON na may 76 na kaso, Central Luzon na may 11 kaso, Central Visayas na may limang kaso, habang may tig-dalawang kaso mula sa Cagayan. Valley, Western Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at Cordillera Administrative Region (CAR), at tig-isang kaso mula sa Ilocos Region, MIMAROPA, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Batay sa case line list na ibinigay ng DOH, tatlong kaso ang aktibo pa rin, habang dalawa ang namatay. Ang 467 iba pang mga kaso ay nakarekober na, habang mayroong 20 mga kaso pa ang patuloy na beniperipika.

Dahil dito, ang kabuuang bilang ng mga nakumpirmang kaso Omicron variant sa bansa ay nasa 535 na.

Samantala, iniulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH), at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) na sa 714 mga sample na na-sequence, 492 ang Omicron variant (B.1.1.529) sa 68.9%, 115 ang Delta variant (B.1.617.2) sa 16.1%, at isang Alpha variant case (B.1.1.7) sa 0.1% ang nakita sa pinakabagong batch ng buong genome sequencing.

Dhel Nazario