Nakapagtatala na nga ba ang Department of Health (DOH) ng unti-unting pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa?
Sa case bulletin #676 ng DOH nitong Miyerkules, Enero 19, 2022, nakapagtala na lamang sila ng panibagong 22,958 bagong kaso ng COVID-19.
Dahil dito, aabot na sa 3,293,625 ang kabuuang bilang ng COVID-19 cases sa Pilipinas.
Sa naturang bilang, 8.2% pa o 270,728 ang aktibong kaso o nagpapagaling pa mula sa karamdaman, kabilang dito ang 257,632 mild cases; 8,335 asymptomatic; 2,970 moderate cases; 1,487 severe cases; at 304 critical cases.
Naitala rin ng ahensya ang 36,611 na bagong gumaling sa sakit.
Sa ngayon, umaabot na sa 2,969,853 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 90.2% ng kabuuang kaso.
Nasa 82 naman ang iniulat na namatay sa karamdaman, kaya nasa 53,044 total COVID-19 deaths o 1.61% ng total cases nito.
Nitong Enero 15, 2022, naitala ng DOH ang record-high na 39,004 new COVID-19 cases sa Pilipinas.Ito na ang pinakamataas na naitalang mga bagong kaso ng sakit sa loob ng isang araw mula nang magsimula ang pandemya noong Marso, 2020.Mary Ann Santiago