Isang infectious disease expert ang nagbabala sa publiko laban sa paggamit ng terminong “mild” para ilarawan ang coronavirus disease (COVID-19) Omicron variant.

Pinabulaanan ni Dr. Edsel Salvana sa Facebook ang maling impormasyon ang netizens.

“Omicron is not mild. It is milder than Delta. It is milder if you are fully vaccinated. We are still seeing severe disease and deaths for Omicron, almost all of which are among the unvaccinated,” sabi ni Salvana.

Hinikayat din niya ang publiko na magpabakuna sa gitna ng banta ng highly transmissible variant.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

“Want to live with the virus? That’s only going to happen if you are vaccinated. Otherwise, you can still die from it,” ani Salvana.

Noong Miyerkules, Enero 19, iniulat ng Department of Health ang 22,958 na kaso ng COVID-19.

Gabriela Baron