Nasa 500 katao na lumabag sa patakarang “No Vaccination, No Ride” ng Department of Transportation (DOTr) ang nabakunahan na laban sa COVID-19 matapos mahuli ng mga miyembro ng Task Force Disiplina (TFD) sa Quezon City.

Sa isang panayam ng DZBB nitong Miyerkules, Enero 19, sinabi ng pinuno ng QC TFD na si Deck Pelemberto na karamihan sa mga hindi pa bakunado at sumama sa mga awtoridad sa mga vaccination site ng lungsod ay nakaiwas sa “inconvenient vaccination process.”

“Matagal naman na nila gusto magpa-vaccine, pero dahil nga sa proseso ng online, yung haba ng dinadaanan, sila ay hindi pa nagpapabakuna. Hanggang umabot sa punto ng paninita, sila’y magiging ganap na bakunado na,” sabi ni Pelemberto.

Sinabi ni Pelemberto na mahigpit na tatalima at gagalangin ng mga miyembro ng QC TFD ang karapatang pantao ng mga pasahero sa kanilang interaksiyon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Ang mga awtoridad ng Quezon City ay nagbibigay ng verbal warning sa mga mahuhuling lumalabag sa patakaran at hinikayat na magpabakuna ang mga pasahero.

Kung papayag ang mga nahuling pasahero, aakomodahin sila ng mga awtoridad sa pinakamalapit na vaccination sites sa lungsod.

Opisyal na magsisimula ang implementasyon ng ordinansa sa mobility restrictions para sa mga hindi nabakunahan sa Enero 21 sa Quezon City.

Napanatili ng pamahalaang lungsod ang suporta nito para sa isang makataong pagpapatupad ng patakaran at binanggit ang mga sitwasyon ng hindi nabakunahan na mga indibidwal na may mga kondisyong medikal at ang mga bahagyang nabakunahan.

Ang patakarang "no vaccination, no ride" ay ipinatupad noong Lunes, Ene. 17.

Kasabay ng resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) sa restricted movements ng mga taong hindi pa bakunado, pinagbabawalan din ng DOTr policy ang mga hindi pa nabakunahan o partially vaccinated na gumamit ng public utility vehicles (PUVs) habang nasa Alert Level 3 ang Metro Manila.

Sa ilalim ng kautusan, exempted sa polisiya ang mga hindi nabakunahang indibidwal na may mga kondisyong medikal, at ang mga bumibili ng mahahalagang gamit o nag-a-avail ng mga mahahalagang serbisyo hanggang sila’y magpapapakita ng mga medical certificate at barangay health pass.

Sa panayam ng DZBB, nilinaw ni Manuel Bonnevie, pinuno ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) Special Operations Unit, na ang mga hindi bakunadong indibidwal na nagre-report para sa trabaho ay pinapayagang gumamit ng mga PUV basta’t sila’y magpapakita ng certificate of employment o company ID.

Sinabi rin ni Bonnevie na ang mga indibidwal na partially vaccinated at nakakuha ng kanilang unang dosis ng higit sa dalawang linggo ay pinapayagang gumamit ng mga PUV. Ang mga miyembro ng QC TFD, I-ACT, at Highway Patrol Group (HPG) ay nag-iinspeksyon sa mga vaccination card ng mga pasahero at driver, valid ID, at iba pang mga dokumento.

Ang mga PUV ay binabantayan din upang suriin kung sinusunod ng mga ito ang pinapayagang 70 percent maximum passenger standard capacity sa ilalim ng Alert Level 3.

Noong Enero 17, mahigit 100 hindi pa bakunadong indibidwal ang nahuli ng mga miyembro ng QC TFD, I-ACT, at HPG sa Commonwealth Avenue at Quezon Avenue.

Khriscielle Yalao