Lumagda sa isang kasunduan si presidential aspirant Vice President Leni Robredo sa iba't ibang environmental groups na nagsasaad ng kanilang pangako na protektahan at pangalagaan ang kalikasan.

Sa isang kasunduan na nilagdaan kamakailan sa Office of the Vice President (OVP), pumayag si Robredo na maging katuwang para sa green agenda kung mahalal na pangulo sa Mayo 2022 polls.

“Recognizing the solemn duty of the President of the Philippines to safeguard the right of the Filipino people to a balanced and healthful ideology; we make a shared commitment to a people-centered sustainable development that ensures food security, human rights and preserves our country’s biodiversity, natural resources and ecological landscapes for the welfare of all,” saad ng covenant.

Nilagdaan ng Bise Presidente ang kasunduan kasama ang mga kinatawan mula sa LILAK o ang Purple Action for Indigenous Women; NASSA-Caritas Philippine Ecology Program; Healthcare Without Harm; Environmental Studies Institute – Miriam College; Alyansa Tigil Mina; Philippine Permaculture Association; GreenAgenda4Leni; at EnviRobredo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Nakilahok din sa programa sa pamamagitan ng Zoom ang iba’t ibang environmental groups at nagpaabot ng kanilang pahayag ng pagsuporta sa naganap na agreement signing.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Robredo na kung manalo siya, ang unang gagawin niya ay ang ang pagbuwag sa mga ‘di makatutulong na mga aktibidad at harapin ang realidad na ang bansa ay nasa isang bulnetableng kalagayan.

Hiniling ng Bise Presidente sa mga advocates na tulungan ang mga tao na maunawaan kung ano ang nakataya, habang binanggit niya ang tagumpay ng agenda ay nakasalalay sa kooperasyon ng publiko.

“Siyempre we started working together already when we developed the 10-point agenda, but let this be a continuing effort. Siguro ang challenge papaano ba natin itong agenda na ito mata-translate into terms na ramdam ng tao na gut issue ito,” sabi ng naghahangad na Pangulo.

Sinabi ng presidential aspirant na isusulong niya ang malinaw at magkakaugnay na mga patakaran sa paggamit ng lupa, soberanya ng pagkain, pag-aalis ng polusyon sa plastik, hustisya sa klima, isang mineral management regime na priyoridad ang pagpapaunlad ng lokal na komunidad, at paglipat sa ligtas, malinis, at abot-kayang enerhiya, bukod sa iba pa.

Binigyang-diin ni Robredo ang pangangailangang mapangalagaan ang kapaligiran at lumikha ng mga patakarang kumikilala at makakaangkop sa mga epekto ng pagbabago ng klima habang ang mga tao ay kadalasang nakikipagbuno sa malawakang pagkawasak na dala ng mga natural na kalamidad kagaya ng kamakailang Bagyong "Odette".

Raymund Antonio