Buong pagkakaisang pinagtibay ng Kamara ang panukalang batas na pipigil sa umiiral na impunity o pagsasagawa ng extrajudicial killings (EJKs) at harassment umano ng gobyerno laban sa mga human rights defender (HRD) sa bansa.

Sa botong 200, ipinasa ng Kapulungan sa pangatlo ang huling pagbasa ang House Bill 10576 (Human Rights Defenders Act) na inakda ni Albay Rep. Edcel Lagman.

"The enactment of the Human Rights Defenders Act (HRDA) will put an end to the prevailing impunity on the extrajudicial killings and extreme harassment of HRDs," ayon kay Lagman.

Samantala, isang katulad na panukala na inakda ni Sen. Leila de Lima ang nakabinbin pa sa Senado. Maaaring aprubahan din ito ng Senado para mapabilis ang pagiging batas ng panukala.

National

FL Liza Araneta-Marcos, nanguna sa pagbubukas ng ilang atraksyon sa Intramuros

Ang HRDA bill ay nakabatay sa UN Declaration on Human Rights Defenders at sa Model National Law on the Recognition and Protection of Human Rights Defenders, na isinulat ng International Service for Human Rights.

 Kapag ito ay naging ganap na batas, lilikha ng isang Human Rights Defenders Protection Committee na pamumunuan ng Commission on Human Rights (CHR). Magkakaroon ito ng anim na miyembro na magkasanib na ino-nominate ng civil society organizations. 

Bert de Guzman