Nakarating na umano sa kaalaman ni Queen of All Media Kris Aquino ang payo ng mga netizen na magpakonsulta na siya sa albularyo o sa mga faith healer, upang matukoy kung may kumukulam o nambabarang ba sa kaniya.
Iyan mismo ay galing sa showbiz columnist na si Ogie Diaz, sa YouTube channel niyang 'Showbiz Update' kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, kung saan napoag-usapan nilang tatlo ang mga tips na sinasabi ng mga netizen, na baka raw may kumukulam o nambabarang sa TV host-actress.
Alam na umano ni Krissy ang mungkahi ng mga concerned netizen na magpatingin na ito sa albularyo, pero ayon umano sa source ni Ogie, hindi pa ito ineentertain sa ngayon ng Queen of All Media.
Sa ngayon daw ay sa mga medical doctors na muna siya magtitiwala, ayon sa source ni Ogie.
Bagama't sa ngayon ay 'It's a no,' nagpapasalamat naman umano si Kristeta sa lahat ng mga nagmamalasakit sa kaniya.
Sa kabila nito, hinikayat pa rin ni Ogie si Kris na baka puwede niyang subukin ang pagpapagamot sa albularyo kung talagang hindi na ma-detect ng mga dalubhasa kung saan talaga nanggagaling ang kaniyang pagkakasakit.
"Hindi naman natin kinukuwestyon ang kapasidad ng mga doktor, pero kung ganyang patuloy na bumababa ang kaniyang immune system, baka puwede naman nating bigyan ng konsiderasyon yung (pagpapagamot) sa mga faith healer."
"Baka naman talagang nakukulam si Kris o nababarang… meron at meron kasing nagagalit kay Kris… pero syempre, sana naman walang gumagawa nang ganoon, kasi ang balik niyon ay sa'yo," sey pa ni Ogie na ang tinutukoy ay ang posibleng nagpakulam kay Kristeta.
"Mareng Kris, baka naman puwede mong ikonsidera ito," pagdidiin pa ni Ogie.
Kuwento pa ni Ogie, may isang artista raw siyang nakausap na nagkuwento sa kaniya, na sinabihan umano nito ang assistant ni Kris na bakit hindi subukin ang pagpapa-albularyo.
Baka raw ang nararanasan ngayon ni Kris ay epekto ng kulam. Wala raw kasing mahanap na lunas o dahilan ng pagkakasakit nito, kaya malamang sa malamang ay baka nga raw nakulam o nabarang ito, sey ng naturang artista.
"Bakit daw biglang nag-deteriorate ang katawan ni Kris, bakit daw nagkaroon ng ganoong sakit si Kris… 'di ba," sey ni Ogie. May mga nagpapadala rin umano ng text o direct message sa kaniya na hikayatin si Tetay na subuking uminom ng mga quack medicine at baka sakaling gumaling siya.
Matatandaang iyan din ang sinabi ng showbiz columnist na si Cristy Fermin sa kaniyang radio program na 'Cristy Ferminute'.
BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/15/kris-aquino-pinayuhang-magpa-albularyo-sey-ni-cristy/