Usap-usapan ngayon sa social media ang pagpuri ni Leyte 4th District Representative Lucy Torres-Gomez kay presidential candidate at dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos Jr., na kilala rin sa inisyal na BBM.

Noong Enero 15, 2022, nakapanayam kasi si BBM sa programang 'Point of Order' nina Lucy at Anakalusugan Representative Mike Defensor na napanood sa SMNI News Channel, broadcasting arm ng Kingdom of Jesus Christ. Pinamumunuan ito ng 'Appointed Son of God' na si Apollo Quiboloy na inakusahan ng sexual abuse noong 2021 ng ilang mga tagasunod, sa Amerika.

Pinuri ni Lucy ang mga balak ni BBM na magtatag ng mga ahensya para sa disaster resilience, pagsuporta sa small enterprises, at pagpapalakas ng agrikultura na mga bahagi raw ng plataporma nito. Aniya, may malinaw na pag-unawa umano si Bongbong sa mga isyung panlokal at pambansa.

Dagdag pa niya, si BBm daw ang 'most villified' o pinakamaraming bashers dahil pinakapopular umano ito sa mga kandidato sa pagkapangulo.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

"On the matter of the presidency, it's really an act of destiny. It's one of those things that only God knows and only time will tell. And I would just like to say that if it's in God's plan for BBM to be our next president, may you be one of the best this country has ever had."

"I wish you well. I wish you every success."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksyon at komento mula sa mga netizen. May mga pumuri kay Lucy at nagsabing tama ang mga sinabi niya hinggil kay BBM.

"Matalino talaga si Lucy Torres-Gomez. Tama ang mga sinabi niya. Goodluck, BBM! Ikaw na ang susunod na presidente ng Pilipinas. It's your chance na gawing great ulit ang Pilipinas kagaya ng naging vision ng tatay mo."

"Lucy is an epitome of beauty and brain. Sana tumakbo sya pagkasenador and later on sa mas mataas pa na posisyon. I can imagine how she will represent the Philippines in the international stage of politics."

"We love you Ms. Lucy Torres-Gomez for being brave and honest."

"What’s wrong with what she said? Isn’t everything God’s will and God’s plan? Even this pandemic? The good and the bad are part of God’s will and plan. If he wins, isn’t that part of God’s plan? If he loses isn’t that part of his plans as well? Huwag naman po i-bash si Lucy for just saying it. Com’n people, stop the hate."

Ngunit kung may mga pumuri, may mga umalma rin.

"Hindi paninirang-puri kung ang ibinabato kay bbmjr ay katotohanan. Pagwawasto iyon. Pagtatama ng maling paniwala.

"Kapakanan ng bayan natin ang nakataya dito."

"Imbes na pakinggan natin ang mga tulad ni Jonvic Remulla at Lucy Torres, mas pakinggan natin yung mga biktima ng human rights violation noong Martial Law at mga kapamilya ng mga desaparecidos."

"May God enlighten all the Filipinos to vote for the right person to lead and serve us truthfully , sincerely with justice and integrity. Lord have mercy!"

"Cong. Lucy, use your best judgment and your brains, where is your heart for the Filipino people? Probably you were so young and innocent during the Marcos regime. It was all hardships and tension. Have a heart and compassion for the Filipinos."

Matatandaang umani rin ng kritisismo si Cavite Governor Jonvic Remulla nang sabihin niyang destiny ni BBM ang maging susunod na Pangulo ng Pilipinas.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/13/gov-remulla-sinabing-destiny-ni-bbm-maging-presidente-inulan-ng-batikos-mula-sa-leni-supporters/

Bukod dito, binura din niya ang unofficial Twitter survey na kaniyang ginawa matapos lumamang si Vice President Leni Robredo dito.