Hindi pa rin tumigil sa pagtulong ang dalawang medical frontliner kahit na pareho silang COVID-19 positive.

Sa Facebook post ni Dr. Caryl Joy Nonan, 5th year surgery resident sa Department of Surgery, UP-PGH, ibinahagi nito ang nakaka-inspire na kwento sa likod ng isang larawan.

Aniya, parehong COVID-19 positive ang sina Dr. Caroline Costelo Mandin, anesthetist at si Mr. Ronie Galanta, operating nurse, ngunit nagawa nilang magsagawa ng operasyon.

"What’s remarkable with this picture is that all of the people in this image are COVID positive," ani Nonan.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

"Ate Roro is admitted (along with her daughter) for COVID, Angkol Ronie is also in isolation due to mild COVID symptoms. But when they heard that I have a COVID positive patient for appendectomy, they readily volunteered," pagbabahagi ni Nonan.

Ang pagvo-volunteer nina Mandin at Galanta ay upang hindi na ma-expose ang iba pang staff dahil COVID-19 positive rin ang pasyente.

Dagdag pa ni Nonan, 8 sa mga OR staff ay nag-positibo na sa COVID-19.

"This is service above and beyond!!!" ani Nonan.

Inulan naman ng pasasalamat at dasal ang post ni Nonan.