Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Martes, Enero 18 ang karagdagang 28,471 kaso ng sakit na coronavirus (COVID-19), ang pinakamababang tally mula noong nakaraang linggo.

Ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa ay hindi pa bumababa sa 30,000 simula noong eksaktong isang linggo noong Enero 11 na may 28,007 bagong kaso ng COVID-19.

Ang case bulletin nitog Martes ay nagdala ng kabuuang bilang ng mga kaso sa 3,270,758 mula noong simula ng pandemya.

Ang mga aktibong kaso ng COVID-19 ay umabot sa 284,458 o 8.7 porsyento ng kabuuang bilang ng mga kaso.

National

PH History, ibabalik na bilang subject sa high school?

Sa bilang, 270,784 dito ang mild, 8,930 ang asymptomatic, 2,957 ang moderate, 1,484 ang malala habang 303 ang nasa critical condition.

Nag-ulat din ang DOH ng 34,892 bagong recoveries na nagdala sa kabuuang 2,933,33 habang 34 ang namatay, na nagdala ng bilang ng mga nasawi sa 52,962.

Iniulat ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mayroong matinding pagtaas sa mga admission sa ospital sa Metro Manila. Sinabi niya na sa pagtaas ng bilang ng mga admission sa ospital sa National capital Region noong nakaraang linggo kung saan ang bed utilization nasa 60 porsyento na ngayon at ang Intensive Care Unit (ICU) utilization rate sa 558 porsyento, mahalagang mapigilan ang hawaan ng Omicron sa bagong health protocols na inilatag ng DOH.

Lumabas sa datos ng DOH na halos 98.3 porsyento ng mga bagong kaso ng COVID-19 ay banayad o walang sintomas.

Samantala, sinabi ng infectious disease expert na si Dr. Edsel Salvana na iba kaysa sa Delta variant ang sitwasyon ngayon sa pagsirit ng Omicron variant dahil naobserbahan niya na hindi napupuno ng mga pasyente ang mga ICU noon.

Ngunit sinabi niya na ang mababang admission ay hindi nangangahulugang dahil sa Omicron at sa halip ay sanhi ng mataas na COVID-19 vaccination at pamahahagi ng booster shot kung saan ang mga impeksyon ay tila mas banayad at inihalintulad ito sa isang normal na trangkaso.

Suportado ito ni Dr. Anna Ong-Lim at sinabing ang mga bakuna laban sa COVID-19 ay naging "game-changer" sa kasalukuyang kalagayan ng mga aktibong kaso sa bansa.

Dhel Nazario