Bagama’t nais ng China na maayos ang isyu sa West Philippine Sea sa mapayapang paraan, muling nanindigan ang bansa na hindi nito matatanggap ang "hindi patas na konklusyon" ng arbitral ruling sa hidwaan sa teritoryo na pumabor sa Pilipinas noong 2016.

Iginiit t ito ni Vice Chairperson ng Foreign Affairs Committee ng 13th National People’s Congress ng China na si Fu Ying sa 5th Manila Forum for China-Philippines Relations noong Lunes, Enero 17.

Ipinaliwanag ni Fu, na nagsilbi rin bilang vice foreign minister ng China at dating ambassador sa Pilipinas, na ang desisyon ng China sa matagal nang sea dispute ay igalang ang mga nakabinbing alitan sa hangganan sa mga papaunlad na bansa at subukang humanap ng mapayapang solusyon dahil nauunawaan nila na “countries in dispute with China are friendly neighbors.”

“But China cannot accept the South China Sea Arbitration because it’s not fair,” sabi ng Chinese foreign affairs official.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“The Law of the Sea did not give countries the right to decide the territory. The Law of the Sea is about maritime rights. The Law of the Sea does not give any country the power or the right to impose on others. So, China does not want to accept the unfair conclusion of the arbitration,” dagdag niya.

Binigyang-diin ng batikang diplomat, na naging ambassador din ng China sa Australia at United Kingdom, na ang pagbagsak ng relasyon ng Pilipinas-China ay “mostly caused by the differences and disputes concerning the islands and shores in the South China Sea,” na binanggit niya bilang isang "mabigat na isyu."

Sa kasaysayan ng China ng "maraming hindi nalutas na mga hidwaan sa hangganan at teritoryo," sinabi niya na hindi kailanman tinalikuran ng China ang mga karapatan nito sa soberanya at mga interes nito.

“And it cannot renounce it now. Its position is unshakable,” ani Fu.

“However, we are determined to resort to peaceful means, and we trust that we should be able to manage the differences with our neighbors, especially with the Philippines, which is an understanding and friendly country,” dagdag ng diplomat.

Ipinunto muli niFu ang pahayag ni State Councilor at Foreign Minister of Tsina na si Wang Yi tungkol sa isyu, na nagsasabing “China will join hands with the Philippines to properly handle the South China Sea issue.”

Binigyang-diin ni Wang sa forum ang kahalagahan ng paglalagay ng isyu sa isang "naangkop na lugar" upang maiwasan itong "maapektuhan o maging hostage ang pangkalahatang bilateral na relasyon."

Betheena Unite