Naging instantmilyonaryo ang isang taga-Leyte matapos na mapanalunan ang tumataginting na₱142 milyong jackpot ng Super Lotto 6/49 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Linggo ng gabi.

Nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination ng Super Lotto 6/49 na 02-05-04-31-01-46 kaya naiuwi nito ang katumbas napremyong ₱142,679,606.40, ayon ay PCSO general manager Royina Garma.

Nabili umano ng mananaya ang kanyang lucky ticket sa Abuyog, Leyte.

Upang makubra ang kanyang panalo, pinayuhan ito ng opisyal na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at iharap ang kanyang winning ticket at dalawang balidong ID.

Mary Ann Santiago

Probinsya

3-anyos na bata, todas sa hampas ng kawayan at inihataw pa sa semento ng sariling lolo!