Recently, panay post ng throwback photos si Megastar Sharon Cuneta sa kaniyang Instagram account. Kasama na nga rito ang throwback photo nila ng mga 'legend action stars' ng Philippine Showbiz na sina Fernando Poe Jr., Rudy Fernandez, Robin Padilla, at Senador Ramon 'Bong' Revilla, Jr.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/01/17/sharon-nag-post-ng-throwback-photo-kasama-nina-fpj-daboy-robin-at-bong/">https://balita.net.ph/2022/01/17/sharon-nag-post-ng-throwback-photo-kasama-nina-fpj-daboy-robin-at-bong/

Isa rin sa mga naibahagi niya ang lumang litrato ng kaniyang inang si Elaine Gamboa Cuneta kasama ang kapatid nito at tiyahing si Helen Gamboa na misis naman ni Senate President Tito Sotto. Tinawag niya ang dalawa na 'My two mammas.'

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Helen Gamboa at Elaine Cuneta (Larawan mula sa IG/Sharon Cuneta)

Ngunit may isang throwback photo na ibinahagi si Shawie na napa-second look ang mga netizen, kung ang nakikita ba nila ay si Ultimate Heartthrob Piolo Pascual.

"I miss you, my one and only sibling with the exact same DNA… @chetcuneta Hey, my family’s goodlookin’! Ako pinakapanget!" saad ni Sharon sa kaniyang caption.

Chet Cuneta at Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG/Sharon Cuneta)

Hindi naman pala si Piolo Pascual ang kasama niya sa litrato kundi ang only brother niyang si Cesar Joseph 'Chet' Cuneta na isang piloto sa iba't ibang airlines gaya ng Asian Spirit, Grand Air, Air Asia Malaysia at Air Asia Philippines.

Sinundan ni Chet ang yapak ng kanilang amang si Pablo Cuneta na halos 50 taong naging mayor ng Pasay City sa loob ng tatlong termino, mula 1951 hanggang 1998, at maituturing na isa sa mga 'longest-serving mayor' sa kasaysayan ng politika sa Pilipinas.

Ngunit sa una niyang pagtatangka ay hindi siya pinalad na mahalal bilang councilor sa Pasay City noong 1998.

Chet Cuneta (Larawan mula sa IG/Chet Cuneta)

Chet Cuneta at Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG/Chet Cuneta)

Chet Cuneta at Sharon Cuneta (Larawan mula sa IG/Chet Cuneta)

Noong 2019, tumakbo naman siyang mayor sa Pasay City, subalit tinalo siya ng kasalukuyang mayor na si Imelda Calixto-Rubiano.