Muling binalikan ni Megastar Sharon Cuneta ang 'alaala ng kahapon' na magkakasama sila sa isang frame, ng mga maituturing umanong 'legends' sa showbiz industry lalo na sa larangan ng aksyon.

"A photo that can never happen again," saad ni Mega sa kaniyang Instagram post nitong Enero 17, 2022. Inilakip niya ang throwback photo nila ng nag-iisang 'Da King' Fernando Poe, Jr., 'Daboy' Rudy Fernandez, 'Badboy' at senatorial aspirant Robin Padilla, at ang 'Agimat' na si Senador Bong Revilla, Jr.

FPJ, Robin Padilla, Sharon Cuneta, Rudy Fernandez, at Bong Revilla (Screengrab mula sa IG/Sharon Cuneta)

Pelikula

Barbie Forteza, magkakaroon ba ng pelikua; sinong leading man?

"I miss you, Klatput and Daboy. What a privilege it is to have been these superstars’ leading lady," saad pa ni Sharon, na tumutukoy sa dalawang yumaong haligi ng industriya na sina Da King at Daboy.

May isa na lamang daw na kulang na sadly ay hindi na naabutan ng dalawa.

"Si @cocomartin_ph na lang ang kulang!" ani Sharon, na sa kasalukuyan ay lead star at isa sa mga direktor ng longest-running action drama series na 'FPJ's Ang Probinsyano' kung saan kabilang ang Megastar bilang si Aurora.

Pati mga netizen ay napa-react sa kaniyang throwback photo.

"The legends! Mga idol ko lahat 'to eh… nakakamiss yung mga movie nila kaysa ngayon na puro kadramahan."

"These are the most gentleman talaga eh."

"Wow my all idol in one frame, nakakamiss naman si FPJ and Daboy!"

Lahat ng mga 'legends' na kasama ni Shawie ay nakasama na niya sa pelikula. Isa sa mga tumatak na pelikulang pinagtambalan nina FPJ at Mega ay ang 'Kahit Konting Pagtingin' noong 1990 na nagkaroon pa ng part 2.

Noong 1991, nagtambal sina Robin at Shawie sa pelikulang 'Maging Sino Ka Man.' Noong 2017, muli silang nagsama sa pelikulang 'Unexpectedly Yours', isang romantic comedy, kasama sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Nagtambal naman sina Mega at Bong sa pelikulang 'Pangako Sa'yo' noong 1992.

'Kung Kailangan Mo Ako' ang pelikulang pinagtambalan nina Mega at Daboy noong 1993.