SYDNEY– Nagdesisyon na ang Federal Court of Australia nitong Linggo na ipa-deport na si Serbian tennis player Novak Djokovic dahil sa pagpapawalang-saysay sa kanyang visa at pagkabigo nitong magpabakuna kontra sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“The orders of the court are that the amended application be dismissed with costs," ayon kay Federal Court Chief Justice James Allsop at sinabing unanimous ang desisyon ng hukuman laban kay Djokovic.
"The court’s job was to consider whether the decision made by Immigration Minister Alex Hawke was unlawful, irrational or legally unreasonable. The court found the grounds outlined by Novak Djokovic's lawyers failed to demonstrate that," idinahilan pa ni Allsop.
Iniutos din ng korte na bawal munang mag-apply si Djokovic ng Australian visa sa loob ng tatlong taon.
Nakatakda sanang maglaro ang defending champion na si Djokovic sa gabi ng unang araw ng laban nito sa Australian Open kung saan itinaonang paglabas ng nasabing desisyon ng hukuman kaugnay ng apela nito na panatilihin ang kanyang visa.
Kung mapapanatili sana nito ang kanyang titulo, si Djokovic sana ang unang lalaking tennis player sa kasaysayan na mananalo ng 21 Grand Slams.
Dahil dito, inaasahang mananatili sa kulungan si Djokovic habang hinihintay ang flight nito palabas ng Australia.
Nitong Enero 5, ikinulong si Djokovic saMelbourne Airport sa Australia matapos mabigong magharap sa mga Australianborder control officers ng medical exemption para sa kanyang COVID-19 vaccine.
AFP