Nagbabala sa publiko ang Office of the Presidential Spokesperson (OPS) tungkol sa mga indibidwal na gumagamit ng pangalan ng mga miyembro ng gabinete para humingi ng hindi awtorisadong medical bond/medical insurance na gagamitin sa pag-a-aplay para sa isang posisyon sa gobyerno.

Ito ang pahayag ng OPS kasunod ng mga ulat ng ilang “unscrupulous individuals” na gumagamit ng pangalan ni cabinet Secretary Karlo Nograles at Labor Secretary Silvestre Bello III para humingi ng hindi awtorisadong medical bond/medical insurance na nagkakahalaga ng P6,000.

Ang nasabing halaga ay bahagi umano ng recruitment at hiring procedure para sa hindi natukoy na posisyon.

Sa pahayag nito, binalaan ng OPS ang publiko tungkol sa scam na ito at hinimok silang mag-ulat sa Malacañang kung makatagpo sila ng ganoon.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

“The OPS wishes to alert everyone of this illegal solicitation scheme and urges the public to report such fraudulent activity to 8888 Citizens’ Complaint Center,” sabi ng OPS.

Idinagdag nito na ginagamit umano ng mga nasa likod ng scam ang letterheads ng Inter-agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Argyll Cyrus Geducos