Iginiit ng grupong Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) nitong Linggo na hindi naipatutupad sa lahat ng mananakay ang 'no vaccination, no ride' policy ng gobyerno.

Sa kanilang Facebook post, binanggit ng grupo na may mga pinayuhan din ang mga doktor na huwag magpabakunakontra COVID-19 dahil sa kalagayan ng kanilang kalusugan kaya exempted sila sa nabanggit na patakaran.

Sa halip na vaccination card, dapat na magpakita ng medical certificate ang mga hindi bakunadong pasahero.

Binanggit pa ng grupo, kabilang sa mga hindi saklaw ng patakaran ang mga indibidwal na bumibiyahe dahil sa mahalagang lakad kaya kinakailangan lamang nilang magharapng katibayan o certification kaugnay ng kanilang essential activity.

Eleksyon

Teddy Casiño, nakasama sina Heidi Mendoza, Luke Espiritu: ‘Maybe next time’

Kaugnay nito, nangangamba rin ang LCSP sa ipapataw na parusa sa mga driver at operators kapag lumabag ang mga ito sa patakaran at posibleng matanggalanumano sila ng prangkisa.

Idinagdag pa ng grupo, hindi matiyak na mababantayan ang libu-libong pasahero kada araw upang ganap na maipatupad ang bagong sistema.