Nakaranas ng malamig na hangin nitong Lunes ng umaga, Enero 17, ang mga residente ng Metro Manila dahil bumaba ang air temperature sa 19.5 degrees celsius (°C)-- ang pinakamalamig noong nagsimula ang northeast monsoon o "amihan" season.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) partikular na naitala ang 19.5°C air temperature sa Science Garden monitoring station sa Quezon City.

Base sa monitoring ng PAGASA, naitala rin ang lowest air temperature ngayong Enero 17 sa mga sumusunod na lugar:

Baguio City — 11.7°C

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Tanay, Rizal — 18.0°C

Casiguran, Aurora — 18.8°C

Malaybalay, Bukidnon — 19.0°C

Ambulong, Batangas — 19.5°C

Clark, Pampanga — 19.5°C

San Jose, Occidental Mindoro — 19.5°C

Science Garden, Quezon City — 19.5°C

Abucay, Bataan — 19.6°C

Laoag City, Ilocos Norte — 19.7°C

Nitong Lunes, sinabi ng PAGASA na ang shear line at northeast monsoon pa rin ang dominanteng weather systems.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga nasa Mindanao na mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggan sa malakas na pag-ulan dala ng shear line.

Samantala, maaaring makaranas ng maulap na panahon at may kasamang mahinang pag-ulan ang Cagayan Valley, Aurora, at Quezon, habang bahagyang maulap at may isolated rains ay maaaring manatili sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa dahil sa amihan.

Inaasahang tatagal ang malamig na panahon hanggang Pebrero habang patuloy na nararanasan ang amihan sa bansa.

Ellalyn De Vera-Ruiz